Nalusutan ng NorthPort Batang Pier ang Magnolia Hotshots 113-110 para maging unang koponan na makapasok sa semifinals ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup sa Ninoy Aquino Stadium.
May tsansa pa sanang maipanalo ng Magnolia subalit nabigong maipasok ni Paul Lee ang four-point attempt nito.
Nanguna sa panalo ng NorthPort si Kadeem Jack na mayroong 30 points, 10 rebounds, limag steals at tatlong blocks habang mayroong 25 points si Arvin Tolentino at 15 points naman ang naitala ni William Navarro.
Ikinatuwa naman ni NorthPort assistant coach Rensy Bajar ang naging pagsusumikap ng mga second group nila na sina Arvin, Josh Munzon at maging si Kadeem.
Hawak pa ng Magnolia ang kalamangan 57-43 sa pagtatapos ng second quarter hanggang nakabangon ang NorthPort.
Nasayang ang nagawang 26 points at 10 assists ni Mark Barroca at 22 points naman ni Lee para sa Magnolia.