-- Advertisements --

Naging masaklap ang pagkatalo ng San Miguel Beermen sa kamay ng NorthPort 105-104 sa kanilang paghaharap sa PBA Commissioner’s Cup.

Naging bayani ng Batang Pier ang kanilang import na si Kadeem Jack matapos na maipasok nito ang kaniyang turnaround jumper sa natitirang 16.7 segundo sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Mayroon ng walong panalo at tatlong talo na ang Batang Pier na nasa pangalawang puwest kasama ang Converge FiberXers.

Habang ang Beermen ay mayroong apat na panalo at anim na talo na katabla nila sa pang-walong puwesto ang Magnolia at NLEX.

Sinabi ni NorthPort assistant coach Rensy Bajar na iniasa nila kay Kadeem ang huling tira.

Nanguna sa panalo ng NorthPort is Jack na nagtala ng 38 points habang mayroong 22 points si Arvin Tolentino at 17 points, tatlong rebounds at apat na assists si William Navarro habang mayroong 12 points at limang assists si Joshua Munzon.

Hindi naman umubra ang 24 points at 15 rebounds ni June Mar Fajardo at ang 21 points ni CJ Perez para sa Beermen.