-- Advertisements --
Nalusutan ng NorthPort Batang Pier ang NLEX 96-94 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Nagtala ng 26 points record high si Robert Bolick sa laro na ginanap sa Don Honorio Ventura State University gym sa Pampanga.
Ito na ang pangatlong sunod na panalo ng Batang Pier na mayroon ngayong apat na panalo at tatlong talo.
Ang lahat na tatlong panalong ito ay mula sa ilalim ng kanilang interim coach at team manager na si Bonnie Tan.
Naka-quarantine kasi ang buong coaching staff ng NorthPort matapos na magpositibo sa COVID-19 ang kanilang head coach na si Pido Jarencio.