Napanatili ng NorthPort Batang Pier ang pagigigng wala pang talo sa nagpapatuloy na 2024 PBA Commissioner’s Cup.
Tinalo kasi ng Batang Pier ang Magnolia Timplados 107-103 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Naging malayo na ang kalamangan ng NorthPort sa 13-point sa natitirang limang minuto ng last quarter subalit napababa ito ng Hotshots.
Sa pamamagitan ng 14-2 run ay napababa sa isang puntos ng Magnolia 96-95 hanggang naipasok ni Joshua Munzon ang kalamangan sa pamamagitan ng four-point at jumper 102-95.
Mula ng makuha ang kalamangan ay hindi na hinayaan pa ng Batang Pier na humabol pa ang Magnolia.
Nanguna sa panalo si import Kadeem Jack na nagtala ng 30 points, 11 rebounds habang mayroong 27 points si Arvin Tolentino.
Nasayang ang nagawang 27 points, walong rebounds at walong assists si Jerom Lastimosa para sa Magnolia.
Mayroon ng tatlong panalo at wala pang talo ang NorthPort habang ang Magnolia ay mayroong isang panalo at dalawang talo.