Napigilan ng NorthPort Batang Pier ang Ginebra para ma-sweep nila ang best-of-seven semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.
Nakuha kasi nila ang panalo 108-103 para mabuhay pa ang tsansa na at maitala ang 3-1 serye sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Nanguna sa panalo ng NorthPort si Kadeem Jack na nagtala ng 39 points at 15 rebounds kabilang ang turnaround jumper sa natitirang 19.3 segundo at makuha ang three points na kalamangan 106-103.
Sinabi ni NorthPort assistant coach Rensy Bajar na noong nakaraang tatlong laro ay nagkulang ang kanilang depensa kaya natuwa ito ng naging agresibo sila sa kanilang depensa.
Mayroon namang 20 points, nine rebounds, 11 assists at apat na steals si Arvin Tolentino habang mayroong 16 points si William Navarro at 14 points naman ang naitala ni Joshua Munzon.
Nasayang naman ang nagawang 18 points at pitong rebounds si Justin Brownless habang mayroong 18 points si RJ Abarrientos at 17 points, 13 rebounds ni Troy Rosario para sa Ginebra.