-- Advertisements --

Binuhat ni Robert Bolick ang NorthPort matapos talunin nila ang Phoenix FuelMasters 92-89 sa PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Naipasok kasi ni Bolick ang kaniyang three-point shot sa natitirang 12 seconds ng laro para tuluyang madala ang Fuel Master ng kanilang panalo.

Nagtala ng kabuuang 21 points si Bolick habang mayroong 16 points, anim na rebounds at pitong assists si Arvin Tolentino.

Naging malaking hamon sa Northport ang laro matapos na ma-fouled out ang kanilang import na si Prince Ibeh sa last quarter na mayroong 19 points at 15 rebounds.

Nasayang naman ang ginawang 24 points ni Jason Mocon ahbang 14 points, 15 rebounds at pitong assists naman si Kaleb Wesson.