Umabot pa ng overtime para tuluyang talunin ng NorthPort ang TNT 128-123 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa Philsport Arena.
Naging malaking tulong sa Batang Pier ang rookie na si Fran Yu ng maipasok ni Venky Jois ang kaniyang assists para madala sa 113-all ang laban sa natitirang 51 seconds.
May tsansa pang maipanalo ni Yu ang NorthPort subalit hindi niya naipasok nito ang kaniyang three-points.
Bumida sa panalo si Jois na nagtala ng double-double na mayroong 21 points at 12 rebounds kasama ang pitong assists, apat na steals at isang block.
Mayroon namang 27 points, siyam na rebounds, tatlong assists, dalawang steals at isang block si Arvin Tolentino.
Nasayang naman ang nagawang 35 point, 13 rebounds, walong assists, tatlong steals dalawang blocks ni Rondae Hollis-Jefferson para sa TNT.