NAGA CITY- Balik sa normal na ang bansang Norway matapos ang pagpapatupad ng lockdown dito dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa report ni Bombo International Correspondent Krysler Piodos, sinabi nito na ngayong Linggo lang ng magbukas na ang mga establishimento sa lugar pati narin ang mga paaralan dito.
Ayon kay Piodos, noong mga unang araw ng ipinatuapad ang lockdown sa lugar isa lamang ang maaring lumabas sa kada isang myembro ng pamilya.
Ngunit sa ngayon pwede narin umanong lumabas ang mga mamamayan dito kahit hindi nakasuot ng facemask.
Kung sakali naman umanong lalabas sa kani-kanilang mga bahay sinisigurado ng mga ito ang distansya sa bawat isa lalo na sa mga nakakasalubong nito.
Samantala, agad namang nakatanggap ng ayuda na katumbas ng one month salary ang mga pinoy sa lugar mula sa Norwegian government.