Inalis na ng Norway ang ipinatupad nitong ban sa mga flights galing Britain, kung saan nanggaling ang mas nakahahawang variant ng coronavirus.
Matapos ang pagkilos ng iba pang mga bansa sa Europa, nagpatupad ng travel ban ang Norway sa Britain noong Disyembre 21 matapos ang ulat tungkol sa mabilis na pagkalat ng bagong COVID-19 variant.
Kasabay nito, mula Enero 2 ay kailangang sumailalim sa COVID-19 test ang lahat ng mga biyaherong manggagaling sa ibayong dagat.
“If this strain should spread in Norway, it will probably mean a full lockdown of society,” wika ni Prime Minister Erna Solberg.
Una nang sinabi ng European Centre for Disease Prevention and Control, bumaba sa 113.6 ang 14-day cumulative number ng COVID-19 cases sa Norway sa kada 100,000 residente.
Ito na ang ikaapat sa pinakamababang bilang sa Europe sunod sa Iceland, Greece at Finland. (Reuters)