-- Advertisements --
Ipapamahagi na lamang ng Norway sa Sweden at Icelang ang nasa 216,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Ito ay matapos na itinigil pansamantala ng nasabing bansa ang paggamit ng nasabing bakuna.
Ayon kay Norweigan Health Minister Bent Hoie na hiningi umano ng nasabing mga bansa ang mga bakuna kaya nagdesisyon silang ipamigay na ito.
Makakatanggap ng 200,000 doses ang Sweden habang 16,000 naman sa Iceland.
Pansamantala nila kasi itong itinigil ang paggamit sa Norway matapos ang ulat na may mga kaso ng blood clotting.
Kanila munang pag-aaralang mabuti ang nasabing ulat at kung sakaling magdesisyon sila na ibalik ay kanila agad itong gagawin.