-- Advertisements --

Itinuturing ng security service ng Norway na isang uri ng terorismo ang nangyaring pag-atake ng isang lalaki gamit ang pana.

Ang 37-anyos na Danish citizen suspek ay kinilalang si Espren Andersen Brathen.

Nagpa-convert umano ang suspek sa Islam kung saan mayroong usapin na baka siya ay kinutya.

Nakatakdang iharap ng mga otoridad ang suspek sa korte para harapin ang kaso nito.

Magugunitang si Brathen ang pumatay sa apat na babae at isang lalaki gamit ang pana nito.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek.