-- Advertisements --
Magluluwag na ang Norway sa darating na mga araw dahil sa patuloy na vaccination drive ng kanilang gobyerno.
Sinabi ni Prime Minister Erna Solberg na kanilang luluwagan ang mga biyahe at papayagan na rin ang mga panonood ng mga sports at ang kasiyahan.
Kabilang sa reopening plan ay papayagan na ang nasa 5,000 na katao na manood ng mga sports events.
Maaari na ring magbenta ng mga alak ng hanggang hating gabi at hangang 100 katao lamang ang papayagan na dumalo sa mga kasiyahan at mga kasalan.
Ang pagbiyahe sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang bansa ay niluwagan na at tanging ang pagbiyahe sa ibang bansa ay mayroong kaunting paghihigpit pa.