-- Advertisements --
Nakadiskubre ang Norway ng radiation leak mula sa nasirang Russian navy submarine.
Ang Komsomolets ay lumubog sa Norwegian Sea noong 1989 na ikinasawi ng 42 na Russian sailors.
Mayroong lalim ito ng 1,680 meters ng ito ay lumubog kung saan may karga itong dalawang nuclear torpedoes na may plutonium warheads.
Base sa Radiation and Nuclear Safety Authority (DSA) ng Norway, mayroon 800,000 na beses na mas mataas ang radiation level kumpara sa normal radiation.
Nilinaw naman nila na hindi pa masyado nakakaalarma ng todo ang nasabing radiation leak.
Mula pa noon ay nagtutulungan ang Russia at Norway na i-monitor ang radiation level sa lugar.