Nanguna ang bansang Norway sa may pinakamaraming nakuhang medalya sa katatapos na 2022 Beijing Winter Olympics.
Mayroon 16 na gold medals, walong silver medals at 13 silver o kabuuang 37 medalya na sinundan ito ng Germany na mayroong 12 gold medals, 10 silver medals at limang bronze medals o kabuuang 27 medalya.
Karamihang gold medal ng Norway kung saan 11 dito ay mula sa biathlon at cross-country skiing events
Nasa pangatlong puwesto naman ang host country na China na mayroong kabuuang 15 medalya na binubuo ng siyam na gold medals, apat na silver medals at dalawang bronze.
Pang-apat naman sa puwesto ang USA team na mayroogn walong gold medals, 10 silver medals at pitong bronze medals at pang-lima ang Sweden na mayroong walong gold medals, limang silver at limang bronze medals.
Aabot sa halos 3,000 na atleta ang lumahok sa 109 events na mayroong 15 disciplens sa loob ng dalawang linggong torneo.
Magsisimula naman sa Marso 4 ang Beijing Winter Para Olympcs habang gaganapin sa Milan-Cortina ang 2026 Winter Olympics.