-- Advertisements --
Nakatakdang ikasal si Princess Martha Louise ng Norway sa kaniyang American partner na si Durek Verrett.
Inanunsiyo ng dalawa na gaganapin ang kasal nila sa susunod na taon.
Binati agad sila ni King Harald V ang dalawa at tanggap nila sa pamilya si Varrett.
Noong nakaraang taon ay umalis sa tungkulin nito bilang princesa si Martha para tutukan ang alternative medicine business.
Nakilala si Verrett na nagsusulong mga unfounded medical practices.
Si Verrett ang nagbigay ng suhestisyon na ang cancer ay isang choice at nagbebenta ng medallions sa online para malabanan ang COVID-19.
Habang si Princess Martha Louise ay may kakayahan na makipag-usap sa mga anghel.
Noong Hunyo 2022 ng ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement.