BACOLOD CITY – Kulong ang Norwegian sa Bacolod Police Station 4 matapos manghampas ng bote sa isang inuman sa Brgy. Villamonte, Bacolod City.
Kinilala ang suspek kay Harold Harrison Green, 50, ng Hacienda Elsa, Brgy. Granada ngunit temporaryong nakatira sa Herrera Apartment sa Helvetia Hights, Brgy. Villamonte.
Ayon kay Lt. Rondel Tapang, commander ng Police Station 4, hinampas ni Green ng bote si Eli Zimmerman, 33, at residente ng Brgy. Villamonte habang umiinom ang mga ito sa Unyots Place.
Una rito, lumapit si Zimmerman kay Green dahil nakita nito na inaamoy ng Norwegian ang buhok ng 21-anyos na si Josephine Bayot ng Villa Angela, Phase 2, Bacolod City habang nagsasabi ng malalaswang salita.
Dahil dito, nagalit ang dayuhan at hinampas nito ng bote si Zimmerman na nagresulta sa kanyang pagkasugat.
Nagreklamo rin ang may-ari ng inuman na si Joji Remedios dahil maliban na nanghampas ng bote si Green, hindi rin ito nagbayad sa kanyang mga order at binasag na mga gamit kagaya ng mga baso at ash tray.