-- Advertisements --

Hinatulan ng korte sa Moscow ng 14 na pagkakulong ang isang Norweigan national dahil sa pag-iispiya sa Russian navy submarines.

Ang 63-anyos na si Frode Berg ay unang naaresto noong 2017.

Dating nagtrabaho si Berg bilang guwardiya ng Norweigan-Russian border.

Inamin nito na siya ay nanilbihan din bilang courier ng Norweigan intelligence subalit itinanggi nito ang akusasyon na siya ay nag-iispiya.

Sinabi naman ng kaniyang abogadong si Ilya Novikov na hindi nila iaapela ang hatol at sa halip ay hihingi na sila ng pardon kay President Vladimir Putin.