-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng konsiyerto sa bansa ang Norweigan singer na si Aurora.
Gaganapin ito sa darating na Enero 31, 2025 sa New Frontier Theater sa Quezon City.
Sa social media account ng singer ay kaniyang inanunsiyo nito ang nasabing kauna-unahang konsiyerto sa bansa.
Bukod sa Pilipinas ay may konsiyerto din ito sa Hong Kong, Singapore, Seoul at Kuala Lumpur.
Ang “What Happened to the Earth? Part 4 ” tour ay bilang suporta sa kaniyang ika-limang studio album na inilabas noong Hunyo 2024.
Nakilala ang singer sa ilang mga sikat na kanta nito gaya ng “Cure for Me”, “Running with the Wolves”, “The Seed” at maraming iba pa.