Emosyonal na kinumpirma ni Malaysian badminton great Lee Chong Wei ang kanyang pagreretiro mula sa kanyang 19 taon na karera sa larangan ng badminton.
“My decision to retire is a heavy one. I really love this sport. But it is a demanding sport. I thank all Malaysians for the past 19 years,”
Nais niya sanang gawin ang pagreretiro sa oras na matapos na rin ang Tokyo Games ngunit hindi raw ito pinayagan ng kanyang doktor at pinayuhan siyang magpahinga na upang maiwasan ang pressure.
Sa ngayon, nais na lang ni Lee na bumawi sa kanyang pamilya at ituloy ang naudlot nilang honeymoon ng kanyang asawa.
Ikinasal si Lee sa kanyang maybahay noong 2012 at ngayon ay may dalawa na silang supling.
July 2018 nang ma-diagnose na may early-stage ng nose cancer ang three-time Olympic silver medalist. Kasunod nito ay ang pagsasapubliko ng kampo ng iba’t ibang treatment na isinasagawa kay Lee.
Sa kabila ng kanyang iniindang sakit ay determinado pa rin na makapaglaro si Lee ng badminton ngunit simula noong Abril ay hindi na ito nakakapag-training.
Taong 2008, 2012, at 2016 games nang masungkit ni Lee ang ikalawang pwesto sa Tokyo Games. Ngayong taon ay tuluyan nang naging malabo para kay Lee na maiuwi pa ang dapat sana’y kauna-unahang gintong olympic gold.
“I really want to go for one more Olympics to make it my fifth consecutive appearance. No athlete from Malaysia has ever competed five times at the