LEGAZPI CITY – Pinawi ng Department of Budget and Management (DBM) Bicol ang agam-agam ng ilang mga guro na hindi sila makakatanggap ng honoraria sa pagsisilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa May 2019 midterm elections.
Ayon kay DBM Bicol Director Renato de Vera sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, walang dapat na ipangamba ang mga ito dahil siguradong makakatanggap sila ng bayad kahit bigo pa rin ang pagkakapasa sa 2019 national budget.
Paliwanag ng opisyal, na-release na ng DBM sa Commission on Elections ang Notice of Cash Allocation para sa second quarter ng taon kung saan sakop na nito ang honoraria ng mga magsisilbing canvassers sa halalan.
Dagdag pa ni de Vera na binigyan ng otoridad ang ahensya upang ma-overdrop ang lahat ng kinakailangang pondo dahil mako-cover na lang ang lahat ng ito sa oras na mapirmahan na ang pambansang pondo.
Samantala, iginiit naman ng opisyal na nakapag-release na ng pondo ang DBM para sa fourth tranche ng salary adjustment ng mga kawani ng pamahalaan.