-- Advertisements --

wesmincom1

Patay ang isang ASG leader matapos makasagupa ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team -6 (MBLT-6) ang grupo ng bandidong grupo sa may Barangay Kalupag Island, Languyan, Tawi-Tawi, kagabi March 20,2021.

Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt.Gen. Corleto Vinluan, rumisponde ang tropa ng MBLT-6 sa pamumuno ni Lt.Col. Venjie Pendon ang ulat hinggil sa presensiya ng mga armadong grupo sa nasabing barangay.

Sakay sa navy vessel si Col. Nestor Narag, deputy Brigade Commander ng 2nd Marine Brigade at patungo sa nasabing lugar na bigla na lamang silang pinaulanan ng bala, dito na umigting ang sagupaan.

Malubhang nasagutan sa enkwentro si Sulu based ASG/KFRG leader Majan Sahidjuan alias Apo Mike subalit nasawi din ito dahil sa kawalan ng dugo.

” He was severely wounded during the encounter last night we tried to save him but his gunshot wounds were fatal,” wika ni MBLT-6 commander Lt.Col. Venjie Pendon.

Ayon kay Pendon, inabandona na si Sahidjuan ng kaniyang grupo na bitbit ang kanilang bihag na mga Indonesian.

Hinimok naman ni Vinluan ang mga residente sa Tawi-Tawi na manatiling kalmado at magtiwala sa mga otoridad.

Aniya, agad makipag-ugnayan sa militar o PNP kapag may namomonitor silang presensiya ng mga armadong grupo sa kanilang lugar.

“Rest assured that we will sustain heightened alert and intensify our operations to espedite the rescue of the kidnap victims and the arrest of the ASG members,” pahayag ni Vinluan.