-- Advertisements --

Patay ang isang notorious Abu Sayyaf sub-leader, sa isinagawang operasyon ng militar, hatinggabi kanina.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander BGen. Cirilito Sobejana na nagsasagawa ng maritime interdiction sa may karagatan ng Barangay Silangkan, Parang, Sulu ang mga sundalo ng makasagupa ang isang grupo ng bandidong Abu Sayyaf.

Sinabi ni Sobejana nakasagupa ng mga operatiba ng Fleet Marine Forces ng JTF Sulu ang grupo ng notorious ASG/KFRG sa pamumuno ni ASG sub-leader Badong Muktadil na sakay sa isang Jungkong type na bangka.

Kaagad namang dinala sa military headquarters ang cadaver ni Muktadil para sa kaukulang disposisyon.

Naniniwala si Sobejana na malaking setback sa teroristang Abu Sayyaf ang pagkapamtay ni Muktadil sa bandidong grupo lalo na sa kanilang kidnapping at terroristic activities.

Ngayong patay na si Muktadil, nakaramdam naman ng ginhawa ang mga ang mga residente ng Sulu lalo na sa banta sa seguridad.

Lubos naman ang pasasalamat ng JTF Sulu sa residente na nagbigay ng impormasyon na nagbigay daan para agarang pag neutralized sa teroristang grupo.

” The neutralization of Badong is another setback on the ASG particularly on their kidnapping and terroristic activities,” wika ni Sobejana.

Sa kabilang dako, ibinunyag din ni Sobejana na si Badong Muktadil at ang grupo nito ay may limang warrant of arrest  dahil sa kasong kidnapping and serious illegal detention at isang kaso ng murder.

Wanted din ang grupo ni Muktadil sa mga Malaysian authorities dahil sa kanilang involvement sa mga insidente ng sea jacking, pag-atake sa mga banyagang barko.

Partikular na sangkot ang grupo ni Badong Muktadil ay ang pagdukot sa Taiwanese national na si Chang An Wei alias Evelyn Chan sa may Pon Pon Island Resort sa Sabah Malaysia nuong November 15, 2013 at ang sea jacking sa isang Vietnamese vessel sa may Pearl Bank, Tawi-Tawi.