-- Advertisements --

custodial

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mananatili muna sa Police custody ang inarestong notorious ASG sub-leader na si Abduljahid “Idang” Susukan habang hinihintay ang commitment order nito mula sa korte.


Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, pansamantalang ikukulong muna si Susukan sa PNP Custodial Center sa loob ng Kampo Crame.

Kapwa kasi napagkasunduan ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa at AFP Chief of staff Lt.Gen. Gilbert Gapay na sa PNP muna ang kustodiya ni Susukan.

2custodial

Sinabi ni Banac sapat ang seguridad ng PNP Custodial Center para bantayan ang isang high risk detainee.

Bukod kay Susukan, nakakulong din sa custodial center ng PNP ang ilang profile detainees gaya ni Sen. Leila De Lima.

Ayon naman kay AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo pansamantalang mananatili sa kustodiya ng PNP ang arestadong ASG sub-leader hanggang wala pang court order na nagtatakda kung saan ididitini si Susukan.

Samantala, naka-alerto ang PNP at AFP kaugnay sa posibleng pagganti ng Abu Sayyaf Group ngayong nasa kustodiya ng batas si Susukan.

Kung maalala, ala-1:00 ng madaling araw nuong Sabado August 15,2020 dumating si Susukan sa Kampo Crame na agad isinailalim sa Covid-19 RT-PCR Testing.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Davao City Police Office chief Col Kirby John Kraft bandang alas -10:32 Huwebes ng gabi ng dumating sa Clark International Airport sa Pampanga ang military aircraft kung saan nakasakay si Susulan.

Kasama ni Susukan ang kaniyang asawa na si Nafrisa Susukan at police escorts sa pangunguna nj PMaj Joenek Pederio.

Si Susukan ay mapayapang isinuko ni MNLF Chair Nur Misuari sa Davao City nuong Huwebes ng gabi matapos isilbi ang warrants of arrest para sa 23 kaso ng Murder, 5 kaso ng Kidnapping at Serious Illegal Detention at 6 na kaso ng Frustrated Murder.