-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Patay ang itinuturing na notorious na magnanakaw matapos na makabarilan ng pulis sa manhunt operation ng Kalibo PNP sa Barangay Mabilo, New Washington, Aklan.

Kinilala ang suspek na si Sweetham Mendiguitte, 21, at residente ng naturang lugar.

Batay sa impormasyon mula sa pulisya, si Mendiguitte ay suspek sa nakawan na nangyari sa Barangay Briones sa bayan ng Kalibo kung saan ang biktima nito na si Blaire Repe, 42, ay matapos na manakawan ng P10,000 na cash money at mga alahas na kinabibilangan ng relo at wedding ring na nagkakahalaga ng P10,000 ay nagawa pa nitong saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, kaagad tumakbo ang suspek nang makita ang mga operatiba at unang pinaputukan ang mga pulis.

Kaugnay nito, nag-return fire ang mga pulis at natamaan sa ulo ang suspek.

Narekober sa area ang kalibre .38 revolver na ginamit ng binata.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.