-- Advertisements --

susukan4

Nakatakdang ibiyahe ngayong araw ng Davao City Police Office ang sumukong notorious Sulu-based ASG sub-leader na si Abduljihad “Idang” Susukan kagabi sa Davao City.


Sa exclusibong panayam ng Bombo Radyo kay Davao City Police Office Chief Col. Kirby John Kraft, sinabi nito na kanilang dalhin sa dito Metro Manila si Susukan dahil isa siya sa mga itinuturing na high risk detainees.

” Mam, wala po ako information regarding sa sinasabing pagsuko ni Susukan kay Chairman kasi nangyari po ito hindi sa Davao City kungdi sa may Jolo, Sulu. So ang participation ko lang dito may nagreport na nandito nga po siya sa Davao City so immediately nagkasa po kami ng operation para serve yung warrant sa kanya, ” pahayag ni Kraft.

susukan 2


Ayon pa sa opisyal dadalhin muna nila sa Camp Crame si Susukan at saka ipo-proseso para iturn-over sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Kampo Aguinaldo.

” Iaano po muna sa Camp Crame. Lately maturnover sa AFP. Mam ongoing pa yung ating investigation sa kanya. For the meantime ito lang muna masasabi ko,” dagdag pa ni Col. Kraft.

Nilinaw din ni Kraft na hindi sumuko sa otoridad sa Davao si Susukan kungdi sumuko ito kay MNLF Chairman Nur Misuari sa Jolo,Sulu.

Aniya,nang kanilang nalaman ang presensiya ni Susukan sa siyudad agad siyang nakipag-ugnayan sa liderato ng Moro National Liberation Front (MNLF) para isilbi sa kaniya ang warrant of arrest.

Nagsimula siyang makipag-usap sa mga opisyal ng MNLF ng alas-6:00 kagabi at bandang alas-8:00 ng mapasakamay na nila si Susukan.

susukan1

Sinabi ni Kraft hindi naman nagkaroon ng tensiyon ng kanilang isilbi ang warrant of arrest, mapayapa itong humarap sa mga otoridad.

” Wala naman kasi alam niya naman po yung MNLF ay group na merong peace agreement sa ating gobyerno. So meron naman tayong mga contact diyan. So immediately nung malaman natin na nandun tinawagan ko, nakausap ko po yung side ng MNLF to peacefully in hand over nila si susukan which ginawa naman po nila,” pahayag ni Kraft.