-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Natimbog ng mga otoridad ang isang drug pusher dakong alas-6:15 nitong Biyernes ng gabi sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Agustin Policarpio Cabayes alyas Waray, 38, may asawa at residente ng Sitio Kuyugan, Barangay New Leon, Aleosan, North Cotabato.

Ayon kay Aleosan chief of police, Captain Arvin John Cambang na nagsagawa sila ng drug buybust operation katuwang ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) sa ‘di kalayuan sa bahay ng suspek.

Nang iabot na ni alyas Waray ang pinagbabawal na droga sa asset ng mga pulis at PDEA doon na siya hinuli.

Narekober sa suspek ang dalawang malaking pakete ng shabu at marked money.

Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility sa Aleosan PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.