-- Advertisements --
Notre dame on fire

ILOILO CITY – Hindi isinasantabi ang anggulong terorismo sa pagkasunog ng Notre Dame Cathedral sa Paris, France.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo International Correspondent Dennis Mana-ay, tubong San Carlos Anilao, Iloilo at presidente ng Hiligaynon Community sa Paris, sinabi nito na sa ngayon ay hindi pa makumpirma ang dahilan ng nangyaring sunog.

Ayon kay Mana-ay, maituturing pang premature ang pag-ugnay ng terorismo sa insidente.

Nagsasagawa kasi aniya ng renovation sa ikalawang palapag ng simbahan kung saan nagsimula ang sunog at dahil gawa lang sa kahoy ang ilang bahagi, kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Sa ngayon, sarado pa rin ang paligid ng cathedral at ang pinapayagan lang na pumasok ay ang mga residente na nakatira malapit sa lugar.