Nangako ang French billionaire na si Francois-Henri Pinault na magbibigay ng 100 million euros ($113 million o katumbas ng mahigit P5 billion) para sa muling pagbangon ng nasunog na Notre Dame Cathedral sa Paris.
Batay sa impormasyon, inihayag umano ng 56-year-old chief executive officer ng isang international luxury group na nakabase sa France, na kukunin ang ilalaang pondo sa investment firm ng kanilang pamilya.
Layunin ng nasabing negosyante ay ang katiyakan na magagawang muli ang isa sa pinakamatandang Catholic cathedral sa Paris at naging mahalagang bahagi ng kasaysayan.
“My father and I have decided to release immediately from the funds of Artemis a sum of 100 million euros to participate in the effort that will be necessary for the complete reconstruction of Notre Dame,†saad daw ni Pinault.
Kabilang sa pag-aari ng Kering group ay ang Gucci at Yves Saint Laurent fashion houses.
Si Pinault ay asawa ng Hollywood actress na si Salma Hayek. (washingtontimes)