-- Advertisements --
Nasunog ang sikat na Notre-Dame Cathedral sa Paris.
Agad na nirespondihan ng mga bombero ang pagkasunog sa 850 taon na Gothic building.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagkasunog.
Itinayo ito noong 13th century kung saan dinarayo ng mahigit 13 milyong bisita kada taon.
Marami namang mananampalataya ang labis na nalungkot lalo na at nataon ang pagkasunog ng iconic building sa panahon ng Semana Santa.