-- Advertisements --

Inilawan ang Notre Dam center sa Jerusalem na sumisimbolo ang kulay ng bandila ng France bilang pakikiramay sa nangyaring pagkasunog ng Notre Dam Cathedral.

Ang French flag illumination ay itinapat sa pader ng Notre Dame Center na nasa Jerusalem municipality.

Ayon sa mayor ng siyudad na si Moshe Lion maging ang kanilang mga residente ay nalulungkot sa nangyari sa iconic cathedral sa Paris.

Sinasabing ang hotel, restaurant at conference complex ay pag-aari ng Vatican na nasa labas lamang ng Old City’s New Gate.

Una rito, maging ang Presidente ng Israel na si Reuven Rivlin, ay nagpaabot din nang pakikidalamhati sa mamamayan ng Paris.

“The Notre Dame [cathedral] is among the most beautiful of Paris’s symbols and of France’s in general, but also one of the most important to any cultured person.”