Ikinatutuwa ngayon ng mga taga France ang balitang nasa mabuting kondisyon ang Grand-Organ sa Notre Dame Cathedral.
Ito ay matapos mailigtas ang instrumento mula sa sunog na tumupok sa simbahan noong nakaraang linggo.
Ayon kay Johann Vexo, na siyang nagpapatugtog sa grand organ nang maganap ang sunog, walang nasira sa kahit anong bahagi na ito at napasukan lamang ito ng konting tubig mula sa fire hose ng mga bumbero.
Mayroon din umanong kaunting alikabok ang instrumento pero sapatr na raw ito para linisin.
Tutugtugin ni Vexo ang grand organ sa free concert na gaganapin sa Washington Basilica of the National Shrine of Immaculate Conception.
“The Grand organ is full of poetry, with very soft but also very powerful sounds,” ani Vexo.
Inaasahan din nito na maibabalik sa dati ang iba pa sa magagandang kayamanan ng simbahan na nagawa ring mailigtas mula sa sunog.