-- Advertisements --

cantero6

Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang tinaguriang estafa queen sa ikinasang operasyon ng otoridad sa Mactan Tropics Subdivision Brgy. Basak Lapu-Lapu City, Cebu.


Kinilala ang suspek na si Leonora Cantero alyas Leigh Abad, na nahuli sa kanyang mismong bahay sa Brgy Barack, Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay PNP-AKG Director Brig Gen. Jonnel Estomo si Cantero ay tinaguriang noturyos estafa queen dahil sa daming nabiktima sa lalawigan ng Cebu partikular mga negosyante.

Siya ay may kasong large scale illegal recruitment at 7 counts of estafa.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, si Cantero ay nagpakasal sa isang Kenneth Patrick Cantero noong 2012. Pero isang taon ang lumipas muli siyang ikinasal sa isang James Abad, kaya naitago niya na ang kanyang personal information at nagpapakilala na siyang Leigh Abad para matakasan ang kanyang mga kaso.

Pero dahil sa dami ng reklamo sa kanya at walang tigil na pag-iimbestiga ng pulisya natukoy ang kinaroroonan ng suspek at ito ay naaresto.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP AKG sa Visayas at isinailalim sa booking procedures at interogasyon sa Cebu City.