-- Advertisements --
Inilipat sa ibang petsa ang huling gabi na konsiyerto ng Pinay girl group na BINI.
Ayon sa organizer ng “Grand BINIverse”, nagpasya sila na ilipat na lamang sa ibang petsa ang November 17 show ng grupo dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyong Pepito.
Ililipat na lamang ito sa Nobyembre 19 sa parehas din na lugar para sa kaligtasan na rin ng marami.
Maaring gamitin rin ang ticket ng Nobyembre 17 sa bagong petsa at sa parehas na venue rin sa Araneta Coliseum.
Ang hindi makakapunta rin sa bagong petsa ay maaring tawagan ang organizers para i-refund ang bayad.
Ang bahagi ng kikitain sa konsiyerto ay ipapamigay sa mga apektado ng mga nagdaang bagyo.