-- Advertisements --
Ikinatuwa ng kampo ni Serbian tennis star Novak Djokovic ang desisyon ng French government na luwagan ang ipinapatupad na COVID-19 restrictions.
Inanunsiyo kasi ni French Prime Minister Jean Castrex na hindi na kailangan ang mga tao na magpakita ng kanilang proof of vaccination laban sa COVID-19 para makapasok sa mga venues gaya ng sports stadiums at restaurants na magsisimula sa Marso 14.
Magugunitang na-deport si Djokovic at hindi na nakasali sa Australian Open matapos na tumangging magpatunay ng kaniyang vaccination status.
Dahil dito ay handa umano itong isakripisyo ang kaniyang titulo sa pamamagitan ng hindi pagsali sa ilang mga torneo kapag patuloy ang pagpapatupad ng mga bansa ng kanilang COVID-19 restrictions.