Aprubado na ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization ng Covovax COVID-19 vaccine na gawa ng US based biotechnology firm na Novavax.
Ito na ang pang-siyam na bakuna laban sa COVID na nagarantiyahan ng EUA sa Pilipinas.
Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, nasa tatlo hanggang apat na linggo ang interval ng una at ikalawang doses ng naturang bakuna na aprubadong iturok para sa mga adult population edad 18 pataas.
Mayroon itong efficacy rate na 89.7% at napaulat na very mild lamang ang adverse reaction mula sa naturang bakuna.
Ani Domingo, isang bagong klase ng bakuna ang Covavax vaccine na protein based vaccine na isang conventional approach na gumagamitng isang purified pieces ng virus para makabuo ng immune response.