Nagsimula ng mag-develop ang American biotechnology company na Novavax Inc. ng bersiyon ng kanilang COVID-19 vaccines na target ang Omicron variant na unang na-detect sa South Africa at inaasahang magiging handa na para sa susunod na mga linggo ang testing at manufacturing ng naturang bakuna.
Ang vaccines ng Novavax ay naglalaman ng actual version ng spike protein ng virus na nakakapag-trigger ng immune system.
Ayon sa vaccine developer, sinimulan ng mag-develop ng spike protein partikular base sa genetic sequence ng bagong variant.
Sinabi ng tagapagsalita ng Novavax na aabutin ito ng ilang linggo.
Natanggap ng Novavax ang unang approval ng emergencu use authorization ng kanilang COVID-19 vaccines nito lamang buwan ng Nobyembre sa Indonesia na sinundan ng Pilipinas.
Nasa proseso na rin aniya ang kompaniya na magsumite ng aplikasyon para sa approval ng US sa EUA ng kanilang bakuna bago matapos ang kasalukuyang taon.
Maliban pa sa Novavax, ayon sa German drugmaker BioNTech SE at Johnson & Johnson na sinusuri na rin nila ang effectiveness ng kanilang COVID-19 vaccines laban sa bagong variant na Omicron.