-- Advertisements --

Sinimula na ng Novavax ang Phase 3 trial ng kanilang COVID-19 vaccine sa US at Mexico.

Sila na ang magiging pang-limang kompanya na naglunsad ng large-scale trial ng COVID-19 vaccine sa US.

Ang bakuna na NVX-CoV2373 ay susubukan ng 30,000 katao na may edad 18 pataas.

Sa unang dalawang trial ay lumalabas na ligtas na gamitin ang nasabing bakuna.

Ang nasabing trial ay pinondohan ng nasa $1.6 billion mula sa Operation Warp Speed.

Bukod sa US at Mexico ay nagsasagawa na rin ang kompaniqya ng Phase 3 clinical study sa United Kingdom, Australia at South Africa.