-- Advertisements --

Nag-apply ng emergency use listing sa World Health Organization (WHO) ang COVID-19 vaccine maker na Novavax at Serum Institute ng India.

Ito ay para magbigyan sila ng karapatan na makapagbenta ng bakuna mula sa iba’t-ibang bansa.

Senyales din ang emergency use listing ng WHO para sa safety and efficacy ng nasabing bakuna.

Ayon sa Novavax na nakatuon sila ngayon sa mga mahihirap at middle-income na bansa para sa kanilang inisyal na supplies ng bakuna.

Nangako rin sila ng 1.1 bilyon doses ng bakuna na kanilang ibibigay sa COVAX facility na pinangungunahan yan ng WHO.