Ginawaran ng Nobel Prize in literature ang novelist na si Abdulrazak Gurnah.
Ito ay dahil sa hindi matawarang dedikasyon nito sa epekto ng colonialism.
Isinilang si Gurnah sa Tanzania noong 1948 at lumipat sa England noong bata pa siya.
Sumulat ito ng 10 nobela na nakatuon sa karanasan ng mga refugee.
Nanalo ang kaniyang “Paradise” novel na ginawa nong 1994 sa Booker Prize kung saan dito na siya nakilala.
Bago ang kaniyang pagreretiro ay dating professor ang 73-anyos sa English at Postcolonial Literatures sa University of Kent sa England.
Ilan sa mga nagdaang nagwagi sa literature prize ay kinabibilangan nina French philosopher Jean-Paul Sarte at Albert Camus, British playwright Harold Pinter at mga novelists na sina John Steinbeck, Toni Morrison at Kazuo Ishiguro.
Ang unang Nobel laureate in Literature ay si French poet Sully Prudhomme na nagwagi noong 1901.