Tinatayang nasa maghigit 80,000 na deboto ang dumalo sa Nobenaryo para sa darating Traslacion at First Friday Mass sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, ngayong taon.
Ginanap ang 18 na misa mula 4:00 AM at 8:00 PM.
Dumagsa ang mga tao bandang 4:00 AM, kung saan nasa 200 na ang nakiisa sa unang misa ng araw, ayon sa Manila Police District (MPD).
Nagpatupad naman ng “One-entry, multiple exits” sa naturang simbahan, kung saan, sa iisang pinto lamang ng maaaring pumasok ang mga dadalo sa misa sa Villalobos Street, habang lalabas naman ang mga dumalo sa mga exits patungong Quezon Boulevard, Plaza Miranda, at Evangelista.
Samantala, 400 na awtoridad naman ang pinakalat sa paligid ng simbahan para tumulong sa pagkontrol ng mga tao at panatilihin ang kapayapaan sa basilica.