-- Advertisements --

Sinimulan na ngayong araw ang pagsasagawa ng novena bilang paghahanda sa pista ng Poong Itim na Nazareno na gagawin sa Enero 9.

Hindi kagaya sa nakaraang taon, walang isinagawa na pahalik sa imahe ng poon at kanselado ang paggunita sa Traslacion dahil sa banta ng COVID-19.

Ang ginawa ng pamunuan ng simbahan ay inilabas nila sa balkonahe ng Quiapo Church ang isang replika ng Poong Nazareno para sa pagpugay o pagtanaw ng mga deboto.

Kahapon naman isinagawa na ang tradisyonal na pagbibihis sa imahe sa ibabaw ng altar pero taliwas sa dati ay hindi na pinahalik sa mga deboto ang hinubad na damit ng Poong Nazareno.

Dahil sa mga pagbabago, nanawagan si Quiapo Church rector Msgr. Hernando “Ding” Coronel sa mga deboto na huwag madismaya sa pansamantalang pagtigil ng ilang tradisyon dahil sa pandemya.