-- Advertisements --

STAR BACOLOD – Sinusulong ng Pilates Master Trainer na si Olé Eugenio, na ito ang panahon para mas pagtuunan pa ng pansin ang pagiging malusog at fit sa gitna ng pandemic.

Nalikha ang Pilates noong 1920 ng physical trainer na si Joseph Pilates para sa layunin ng rehabilitation.

Ilan sa mga unang natulungan ni Pilates ay ang mga sundalong umuwi mula sa digmaan at mga mananayaw na tulad nila Martha Graham at George Balanchine.

Mula noong 1920s, napanatili ang mga basi tenets ni Jospeh Pilates, at hanggang ngayon, kahit marami nang modifications, ang Pilates ay nanantiling buo at totoo sa pinagmulan nito.

Hinihikayat ni Eugenio ang publiko na higit na kailangan ngayon ang pag-eehersisyo dahil sa ang paggalaw ng katawan ay nakakapag-activate ng happy hormones lalo at malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa mental, emotional at physical health ng karamihan.

Si Olé Eugenio ay ang unang fully certified STOTT Pilates Master Trainer sa Pilipinas at nakapagturo na sa daan-daang Pilates students sa Asya.