-- Advertisements --

Tuluyan nang magreretiro si Dallas Mavericks star Dirk Nowitzki.

Sa kaniyang talumpati sa panalo ng Mavs kontra Phoenix Suns, isinagawa nito ang kumpirmasyon kung saan labis ang pasasalamat niya sa kaniyang mga kasamahan sa koponan.

Nagsimula ang paglalaro sa NBA ng 40-anyos noong pang taong 1999.

Naging Most Valuable Player (MVP) ang seven-footer noong 2006-07 season at finals MVP noong 2011 nang makuha ng Dallas ang kanilang kampeonato.