-- Advertisements --
PNP Chief Gen. Oscar Albayalde
PNP Chief Gen. Oscar Albayalde

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde na hindi makakaapekto sa preparasyon sa darating na midterm elections ang palitan ng liderato ng Police Regional Office (PRO)-10.

Sinabi ito ng PNP chief sa turn over of command sa pagitan nila ni outgoing Police Regional Office -10 regional director Police Brig Gen Timoteo Pacleb Jr. at incoming PRO-10 regional director Police Brig Gen Rafael Santiago Jr.

Ayon kay Albayalde, intact na ang security measure ng PNP para sa May 13 midterm elections kung kaya’t hindi makakaapekto ang change of command sa rehiyon.

Pinasalamatan din ng PNP chief si Pacleb dahil siniguro nitong preparado na ang seguridad sa halalan sa rehiyon bago ito umalis sa pwesto at haharapin ang kaniyang bagong tungkulin sa Kampo Crame.

Napag-alaman na si Albayalde ang nag-iikot sa buong bansa lalong lalo na sa Mindanao upang maseguro ang isang matiwasay, malinis at kapani-paniwalang resulta ng halalan.