-- Advertisements --

(Update) LEGAZPI CITY – May sinusundan ng person of interest (POI) ang Sto. Domingo Municipal Police kaugnay ng pagkakarekober sa pitong buwang sanggol na malapit sa Sto. Domingo port sa Albay.

Matatandaan na bago inilibing, pinangalanan munang “Maria” ng Municipal Health Unit ang sanggol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Capt. Genevieve Oserin, hepe ng Sto. Domingo PNP, nakuhaan ng video sa closed circuit television (CCTV) camera ang isang lalaking may dala ng eco bag kung saan nakuhang nakabalot ang sanggol.

Agad naman nai-upload sa social media ang naturang video upang mabilis na maaresto ang posibeng nasa likod ng insidente.

Maging si Mayor Jun Aguas ay nag-utos na rin na magsagawa ng hakbang laban sa suspek.

Naniniwala ang hepe na kakapanganak lamang ng sanggol ng dalhin sa naturang pantalan dahil may dugo pa ito.

Umaasa naman ang mga otoridad na agad na madadakip ang responsable sa insidente.