-- Advertisements --

DAVAO CITY – Arestado ang isang nagpakilalang opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Davao del Norte matapos umanong mangikil sa isang negosyante.

Kinilala ang naarestong si Jocelyn Bagaipo, 43, kumander umano ng isang NPA unit.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, hiningan umano ng salarin ang biktima ng P3,000.

Matapos makipag-ugnayan sa pulisya ay agad tumungo ang mga operatiba sa money center kung saan nakatakdang kunin ng salarin ang pera.

Sa ngayon hawak na ng Digos City PNP ang kustodiya ng suspek.