BUTUAN CITY – Iba’t ibang mga kontrabandong gamit umano ng New People’s Army (NPA) ang nakumpiska matapos maharang sa checkpoint ng kasundaluhan at pulisya sa P-1, Brgy. Sapa, sa bayan ng Claver, Surigao del Norte nitong nakalipas na gabi.
Ayon kay Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., regional director ng Police Regional Office o PRO-13, naharang sa checkpoint ang dalawang motorsiklo na may kargang 18 pakete sa kulay itim na fatigue pants uniform, 37 pakete ng poncho tents at 1,000 bote ng mga soft drinks na idi-deliver sana ni Roel Tremidal Neniel alayas Jacob, commanding officer at asawa nitong si Roxanne Tejero alyas Menchie, parehong miyembro ng Guerilla Front 16C, Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).
Ayon sa naharang na mga drivers ng motorsiklo, inutusan lamang umano silang dalhin ang nasabing mga iligal na produkto sa Sitio Bay-ang, Brgy. Lahi, Gigaquit, Surigao del Norte.