-- Advertisements --

DAVAO CITY – Wala umanong namo-monitor ang 10th Infantry Division (ID), Philippine Army patungkol sa umano’y pangingikil ng New People’s Army (NPA) gamit ang permit to campaign ilang araw matapos simulan ang campaign period para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay 10ID Public Affairs Office Chief Capt. Jerry Lamosao, wala silang natanggap na ulat ukol sa extortion ng mga rebelde sa mga kandidato sa kanilang area of operation.

Palagay ni Lamosao, hindi makaporma ang mga NPA dahil sa nagpapatuloy na focused military operation at wala nang makombense na mga kandidato ang mga rebelde.

Sa ngayon umano ay kahit ang mga komunidad ay hindi na sumusuporta sa mga NPA.

Patunay daw dito ang mas marami pang mga lugar na nagdeklara sa mga NPA bilang persona non grata.