-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ayaw nang pansinin ng Police Regional Office (PRO) 13 ang pagdistansya ng New People’s Army (NPA) sa alegasyon na sila ang pumatay kay Esther Betonio, chairwoman ng Purok 21, Brgy. Tungao nitong lungsod ng Butuan.

Ito ay matapos na sabihin ni Ka Omar Ibarra, nagpakilalang tagapagsalita ng NPA-Western Agusan del Norte-Agusan del Sur (NPA-WANAS), na walang dahilan para paslangin nila si Betonio.

Ayon kay PLCol. Christian Rafols, kilala na ang NPA sa kanilang pagtanggi kapag galit na ang mga mamamayan sa kanilang pagpaslang.

Una nang inihayag ng asawa ng biktima na si Alfaro na narinig pa niyang sumigaw daw ng “Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan,” ang apat na suspek matapos gawin ang krimen.