BUTUAN CITY – Dalawa na lang na mga matataas na lider ng teroristang grupong New People’s Army o NPA dito sa Caraga Region ang tinutugis ng mga otoridad.
Ito ang inihayag ni National Intelligence Coordinating Agency o NICA-Caraga spokesperson JC Solomon kasunod sa ika-54 na anibersaryo ng NPA kahapon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Solomon na karamihan sa mga rebeldeng lider ay nagsurender na habang ang iba ay na-neutralize na rin.
Ang naturang mga NPA leaders ang target sa nagpapatuloy na focus military operation base na rin sa nakuhang lead sa militar galing sa intelligence community gamit ang modernong teknolohiya.
Dagdag pa ni Solomon, kahit pa-ubos na ang teroristang grupo, patuloy pa rin nilang ipinakita na aktibo pa sila sa pamamagitan ng pagpapalabas ng videos kahit na halatang recycled na.